Isang hinihinalang rocket debris ang narekober sa baybayin ng Sitio Taburon, Barangay Balading, Bisucay Island, Cuyo, Palawan.
Ayon sa Coast Guard District Palawan, alas-6:46 ng umaga kanina nang makatanggap sila ng report hinggil sa natagpuang debris kayat agad silang nagdeploy ng Quick Response Team (QRT).
Narekober ang hinihinalang rocket debris sa tulong ng mga tauhan ng barangay.
Sa ngayon ay nasa kortodiya na ng Coast Guard Station Eastern Palawan ang narekober na hinihinalang rocket debris na isasailalim sa technical assessment at validation ng Maritime Security and Law Enforcement Group Palawan (MARSLEG-PAL) upang matukoy ang pinagmulan nito. | ulat ni DK Zarate