Inilabas na ng Korte Suprema ang listahan ng mga nakapasa sa 2026 Shari’ah Special Bar examinations.
Ayon kay SC Associte Justice Henry Jean Paul Inting, Chairperson ng 2026 SSBE, umabot sa 235 ang nakapasa mula sa 796 na nakatapos ng pagsusulit.
Sinabi ni Inting na katumbas ito ng 29.52 percent na passing rate.
Dalawa ang nag top 1 sa pagsusulit na kinilalang sina Van Regine Lim Perlas at Ahmad Nuska Bato na nakakuha ng 89.15% rating.
Isinagawa ang pagsusulit sa apat na local testing center sa bansa noong May.
Nakatakda naman sa July 16, 2026 oath taking at roll signing ceremonies na isasagawa sa Manila Hotel. | ulat ni DK Zarate