Nadagdagan pa ang mga kasong inirekomenda ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dating Ateneo Men’s Basketball Team Head Coach na si Tab Baldwin at iba pa.
Inirekemonda ng CIDG ang mga kasong Homicide laban Baldwin at Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide laban sa kanya at walong iba pa.
Kaugnay ito ng pagkamatay ng dalawang basketball player ng Ateneo na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isinagawang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong June 8.
Matatandaang nauna nang inirekomenda ng CIDG sa DOJ ang kasong paglabag sa Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 laban kay Baldwin at iba pa.
Samantala, nakipagpulong kahapon ang CIDG sa pamilya ni Baternia upang magbigay ng update sa kaugnay sa imbestigasyon, mga nakalap na ebidensya, at mga legal na hakbang na ginawa.
Tiniyak naman ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga naulilang pamilya ang patas na imbestigasyon. Aniya, patuloy na makikipag-ugnayan ang PNP sa DOJ at iba pang ahensya upang makamit ang hustisya.