Photo courtesy of QCPD
Hiniling ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang kooperasyon ng mga kalahok sa INC rally para manatiling organisado at maayos ang kanilang pagtitipon.
Ayon kay DPOS Head Ret. Gen. Elmo San Diego, patuloy ang mahigpit na monitoring ng mga otoridad para matiyak ang maayos na aktibidad at hindi maapektuhan ang kaayusan, kaligtasan, at trapiko sa lugar.
Babala nito, maaaring kanselahin ang permit ng rally ng INC kung hindi masusunod ng organizers ang mga itinakdang kondisyon ng lokal na pamahalaan.
Kumpara naman kahapon ay mas organisado at maayos na ang takbo ng pagtitipon ngayong Miyerkules.
Paliwanag niya, apat na araw na permit ang orihinal na inihirit ng INC na tatagal hanggang Biyernes. Hindi naman umano ito agad maaprubahan ng LGU dahil sa mga konsiderasyon sa crowd management, logistics, at public order.
Sa halip, naglabas ang lungsod ng permit na valid lamang ngayong araw, July 1, hanggang alas-8 ng gabi, na maaaring i-extend batay sa magiging sitwasyon ng aktibidad.