Office of the Ombudsman
Tuloy-tuloy lang sa paggulong at hindi maapektuhan ng isinasagawang rally ng iba’t ibang grupo sa EDSA People Power Monument ang imbestigasyon sa flood control scandal at iba pang kaso ng korapsiyon.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, kung ang ipinaglalaban ng mga grupo sa EDSA ay transparency at accountability ay ito rin naman ang nais at siyang pangunahing layunin ng Office of the Ombudsman.
Sa katunayan, hindi lang si Senador Rodante Marcoleta ang kanilang iniimbestigahan dahil iba’t ibang mga personalidad din ang kanilang isinasailalim sa malalimang imbestigasyon.