Iginiit ng isang Constitutional Law expert na dapat maintindihan ng publiko na kahit bata pa ang gumawa ng krimen ay may pananagutan pa rin ito o accountability sa kanyang ginawang krimen ngunit iba nga lang ang pag-trato sa parusang ibibigay dito.
Sa panayam ng programang BOSES kay Constitutional Law Expert Atty. Domingo Cayosa, hindi dapat ihalintulad sa proseso ng pagpapataw ng hustisya sa mga nakatatanda at nasa tamang edad ang mga menor de edad.
Maraming bagay kasi ang dapat bigyang konsiderasyon kasama na rito ang elemento ng “discernment” o kung naiintindihan na ba talaga ng Children in conflict of the law o CICL ang kaniyang ginawang krimen.
Dito na pumapasok ang mahalagang proseso ng pagsusuri ng mga child psychologist at sociologist, upang mas mabigyang linaw ang kasong kinahaharap ng mga batang edad 15 taong gulang pababa na nakagawa ng krimen.