Ilang punto ang binigyang-linaw ni Assistant Ombudsman Mico Clavano kung bakit humantong ang Office of the Ombudsman sa desisyong gawing state witness si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Malaking bagay umano sa mga tinignang dahilan ng Ombudsman ay ang pagkakaroon ng first-hand knowledge ni Bonoan sa mga budget insertion at ang overall scheme kung bakit naging talamak ang akto ng kurapsiyon sa DPWH.
Ani Clavano, mahalaga na isang insider mismo ang magsiwalat ng impormasyon na magbibigay dito ng mas malakas at matatag na kredibilidad patungkol sa kaso ng kurapsiyon.
Kabilang nga rin sa mga ikinonsidera ng Ombudsman ay ang estado ng kalusugan ni dating DPWH Sec. Bonoan.