Itinaas na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang RED alert status sa kanilang hanay sa Metro Manila.
Ito’y sa gitna na rin ng nagpapatuloy na aktibidad ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, layon ng pagtataas ng alerto na tiyakin ang kanilang kahandaan sa anuo mang aktwalidad.
Patuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng pamahalaan, para itaguyod ang kaligtasan at seguridad ng publiko gayundin ay tiyaking hindi mababalam ang paghahatid ng pangunahing serbisyo.
Mananatiling propesyunal at walang kinikilingan ang hanay ng militar gayundin ay nangangako silang isusulong ang rule of law, paggalang sa karapatang pantao, at pagtupad sa kanilang mandato na ipagtanggol ang bansa.