Matagumpay na narepatriate o napauwi sa Pilipinas ng panahalaan ang 13 pang mga Pilipino mula sa Israel.
Ito na ang ikatlong batch na napauwi sa Pilipinas via Ben Gurion International Airport mula nagbalik operasyon ito dahil sa ceasefire sa gyera sa Iran.
Magkatuwang ang Embahada ng Pilipinas sa Israel, Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration sa pagasiste sa mga OFW ar nakauwi sila kahapon, July 1, 2026.
Sa kabuuan 248 na Filipino caregivers, hotel workers, estudyante ang natulungan ng embahada na makauwi sa Pilipinas mula noong February 28, 2026.
Tiniyak naman ng embahada sa Israel na patuloy nilang tutukan ang sitwasyon at aalalayan ang mga Pilipino sa naturang bansa. | ulat ni Louisa Erispe