Nanindigan si Father Bong Sarabia na binibigyang-laya ng Simbahang Katolika ang mga miyembro nito na pumili at magpasya batay sa kung ano ang sa tingin nila ay tama at naaayon sa kanilang pananalig.
Ayon kay Fr. Sarabia, hindi kinokontrol ng Simbahan ang kaisipan ng mga Katolikong mananampalataya (Catholic faithfuls), hindi tulad ng ilang kulto o sektya na sumusuporta sa kasinungalingan at pagnanakaw na tahasang taliwas sa kalooban ng Diyos.
Ito ang naging reaksyon ng pari sa gitna ng ikinasang malawakang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na nagpapakita ng suporta kay Senador Rodante Marcoleta, na kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder o pandarambong.
Binalaan at pinayuhan din ng pari ang sambayanan na suriin ang kanilang kinabibilangang relihiyon.
Aniya, kung ang isang simbahan ay hindi nag-aakay sa mga kasapi nito tungo sa katotohanan at katuwiran, panahon na upang mag-isip-isip at tumiwalag dito. | ulat ni Melany Reyes