Nakahanda ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sakaling kailanganin ng dagdag na pwersa kauganay isinasagawang rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Sa panayam ng media sa Camp Crame kay NCRPO Spokesperson PMAJ Hazel Asilo, sinabi niya inaalam pa nila ang sitwasyon kaugnay sa banta sa rally.
Ayon kay Asilo, nanatili ang full alert status sa buong hanay ng NCRPO ngayong araw.
Sa ngayon, sinabi ni Asilo hindi pa masasabi kung hanggang anong oras magtatapos ang programa.
Bagama’t Freedom Park ang Liwasang Bonifacio, maaari pa ring magpatupad ang lokal na pamahalaan at pulisya ng tinatawag na reasonable regulation.
Ibig sabihin, maaari pa ring magtakdang ng oras ng pagsisimula at pagtatapos sa rally ng INC.
Sinabi ni Asilo na patuloy na makikipag-ugnayan ang NCRPO sa mga organizer ng pagtitipon sa Liwasang Bonifacio. | ulat ni Diane Lear