Sumampa na sa 1,943 na tao ang nasawi at mahigit 10,500 naman ang sugatan matapos ang magkasunod na malakas na lindol sa Venezuela.
Kamakailan, isang 3-taong gulang na bata ang buhay na nasagip mula sa guho sa Caracas anim na araw matapos ang lindol sa tulong ng Jordanian Civil Defense team.
Ayon sa United Nations Refugee Agency, laganap din ang kakulangan sa pagkain, naputol ang mahahalagang serbisyo at komunikasyon sa La Guaira, ang pinakamalubhang naapektuhang lugar.
Sinabi naman ng National Assembly ng Venezuela, na mahigit 6,500 katao ang nasagip mula sa mga guho, habang tinatayang halos 20,000 ang nakaligtas sa tulong ng mga rescuer at kanilang mga kaanak.
Base sa paunang pagsusuri ng NASA, mahigit 58,000 gusali ang posibleng nasira o gumuho ng dahil sa magkasunod na lindol.