Nanawagan si House Committee on Justice Chair at lead prosecutor Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa mga Pilipino na magkaisa sa panalangin sa nalalapit na pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, karapat-dapat ang mga Pilipino sa mas mabubuting pinuno at isang mas maayos na bansa.
Ginawa ni Luistro ang apela sa ginanap na “Misa para sa Katotohanan, Hustisya, at Pananagutan” sa Chapel of the Nativity of the Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.
Dito nagtipon ang mga kaparian ng Simbahang Katolika upang ipagdasal ang House prosecution panel bago magsimula ang paglilitis sa July 6.
Pinasalamatan ng mambabatas ang mga pari at mga deboto, at hiniling sa mamamayan na samahan ang prosekusyon hanggang sa matapos ang paglilitis sa Senate impeachment court.
Inamin din ni Luistro ang mga kakulangan ng kanilang koponan ngunit binigyang-diin na ang dasal at suporta ng publiko ang magbibigay sa kanila ng lakas.