Tinututukan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inaasahang isyu ng wage distortion bunsod ng ipinatupad na P85 na umento sa minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Sa panayam ng programang BOSES, sinabi ni DOLE-NCR Regional Director Atty. Sarah Buena Mirasol na kinakailangang matugunan ang isyu ng wage distortion dahil masyado nang magkalapit ang antas ng sahod ng mga minimum wage earner at ng susunod na wage level.
Kaya naman, giit ng DOLE, handa ang kanilang tanggapan na makipagtulungan sa mga negosyo, kompanya, at employer upang mai-adjust ang suweldo ng tinatayang 1.9 milyong empleyado sa NCR.