Pinag-aaralan na ng National Bureau of Investigation na kasuhan o umaksyon ng legal laban sa nagpost sa social media na nagsalita umano si Director Melvin Matibag laban sa Iglesia Ni Cristo at mga miyembro nito.
Bagamat hindi idinetalye ng NBI ano ang mismong laman ng facebook post giit ng ahensya malinaw na ito ay disinformation campaign na layong madestabilize ang gobyerno at siraan ang mga opisyal ng pamahalaan.
Giit ng NBI dapat may managot rito lalo na at maituturing na fabrication at dissemination of false information ang post.
Nilinaw naman ng NBI kailanman hindi naglabas ng negatibong pahayag si Director Melvin Matibag laban sa INC at mga myembro nito. | ulat ni Louisa Erispe