Nananatiling naka-full alert status ang National Capital Region Police Office sa kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ngayong araw.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo nakabantay pa rin sila sa magiging pagtitipon ng mga myembro sa Liwasang Bonifacio.
Nasa dalawang libong pulis din ang nakadeploy at nakapaligid sa lugar para magpanatili ng kapayapaan dahil inaasahang aabot pa rin sa libo ang magtitipon ngayong araw sa Maynila.
Tututukan din ng NCRPO na hindi lalagpas sa Liwasang Bonifacio ang pagtitipon dahil dito lang sila pinapayagan na isang freedom park. | ulat ni Louisa Erispe