Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Paris Eduardo Jose de Vega na walang piliponong napaulat na nasaktan o apektado ng heatwave sa France.
Sa isang panayam kay De Vega sinabi nyang karamihan naman sa mga Pilipino na nagttrabaho roon ay indoors kaya hindi gaanong apektado ng init.
Gayunpaman nakatutok pa rin sila sa kalagayan ng nga Pinoy sa naturang bansa.
Patuloy namang pinapayuhan ang nga Pilipino roon na umiwas muna sa paglabas lalo na ang mga nakatatanda, buntis, mga bata at may sakit.
Laging uminom ng tubig at kung lalabas naman ay magsuot ng light-colored na damit at kung maaari magdala ng wet wipes at tubig upang hindi maging dehydrated.
Matatandaan na noong buwan ng Hunyo pumapalo sa 40 degrees celcius ang init sa ibat ibang lugar sa France na hindi karaniwang nararansan sa naturang bansa. | ulat ni Louisa Erispe