Posibleng lumakas pa at maging super typhoon ang tropical storm na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.
Ayon sa state weather bureau PAGASA, inaasahang papasok ang sama ng panahon sa PAR sa Miyerkules o Huwebes at papangalanang “Inday.”
Bagama’t may posibilidad itong lumakas bilang bagyo o super typhoon, sinabi ng state weather bureau na hindi pa rin tiyak ang magiging lakas at tatahakin nitong direksiyon.
Inaasahan ding palalakasin nito ang habagat, na magdudulot ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.