Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nitong isilbi ang warrant of arrest na posibleng ilabas ng Sandiganbayan laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Sa press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Col. Allen Rae Co na susunod ang pulisya sa ano mang lawful order o kautusan ng korte alinsunod sa batas.
Katulad ng isinagawang pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada, makikipag-ugnayan ang PNP sa pamunuan ng Senado kung sakaling doon aarestuhin si Marcoleta.
Una nang kinumpirma ng Office of the Ombudsman na sinampahan ng kasong plunder sa Sandiganbayan sina Marcoleta at dating Cong. Mike Defensor. Non-bailable ang kaso kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng ₱75 milyong campaign donations.