Hinikayat ng House Prosecution Panel ang publiko na tutukan ang nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, inaasahan nilang matutuloy na ang paglilitis sa Monday.
Aniya, sa unang yugto ng proseso, inaasahang ilalahad ng magkabilang panig ang kani-kanilang opening statement.
Sinabi naman ni House Prosecutor at ML Party-list Rep. Leila de Lima na ikinatutuwa niyang tuloy na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil mahalagang marinig ang lahat ng ebidensya at makumpleto ang buong proseso.
Sinabi rin ni De Lima na nakasaad sa pre-trial order ang paggamit ng Filipino, English, o parehong wika sa paglilitis upang mas madaling maunawaan ng publiko ang mga pagdinig.
