Binigyang-diin ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela ang napakalaking papel ng transparency campaign ng pamahalaan sa pagtatanggol ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa pagharap ni Tarriela sa Atlantic Council Stage, sinabi nitong hindi kailanman maituturing na krimen ang pagsisiwalat sa isang maling gawain bagay na patuloy na binabaligtad ng China sa kanilang naratibo.
Aniya, kakambal ng transparency campaign ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang isang malaking responsibilidad na bigyan ng malinaw na larawan ang buong mundo sa patuloy na agresibong aksyon ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Giit ni Tarriela na sa laban ng katotohanan, isang malakas na sandata ang transparency.