Nagdeklara ng ng ‘all-out war’ ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga smuggler.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno mahigpit nilang ipapatupad ang one-strike policy.
Maaaring agad na masibak o matanggal sa puwesto ang sinumang kawani ng BOC na mapatutunayang sangkot sa korapsyon, smuggling, o anumang gawaing sumisira sa integridad ng ahensya.
Nito lamang, bilyun-bilyong pisong halaga ng mga iligal na sigarilyo ay nagsisilbing deklarasyon ng mas agresibong kampanya ng ahensya laban sa smuggling.
Aminado rin si Nepomuceno na patuloy na nagbabago ang mga taktika ng mga smuggling syndicate, kabilang ang paggamit ng mga pribadong pantalan at sasakyang-pandagat upang makaiwas sa pagpapatupad ng batas.
Dahil dito, inatasan niya ang lahat ng collection districts ng BOC na paigtingin ang intelligence gathering, risk profiling, at enforcement operations ng mga LGU at law enforcement agencies.