Nakiusap ang Department of Agriculture (DA) sa mga rice importer na pansamantalang itigil ang pagpapapasok ng 5% broken imported rice sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito ay para masuportahan ang mga lokal na magsasaka at maiwasan ang labis na pagbagsak ng farmgate price ng palay.
Paliwanag ng kalihim, sa ngayon ay 25% broken rice o mas mababang kalidad na imported rice lamang ang hinihikayat na ipasok sa bansa para mabigyan ng mas magandang pagkakataon ang lokal na ani na makipagsabayan sa merkado.
Ayon pa sa kalihim, nagpahayag na ng suporta ang ilang stakeholders sa panawagang ito bilang pagtulong sa mga magsasaka.