Kumpiyansa ang isang ekonomista sa mga bagong oportunidad na bubuksan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nagpapatuloy na official visit nito sa Canada.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay RCBC Chief Economist Michael Ricafort, bukod sa nangungunang human capital na pinakamalakas na bahagi ng relasyon ng Pilipinas at Canada ilang mga oportunidad ng kooperasyon ang naghihintay sa Pilipinas at Canada.
Kabilang na rito ang kooperasyon sa enerhiya bunsod ng malaking oil reserve ng Canada at ilan pang economic windows na maibabahagi ng Canada sa Pilipinas upang mapatatag pa ang ekonomiya nito.