Patuloy na tututukan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagkontrol sa inflation para mapangalagaan ang purchasing power ng mga Pilipino at makahikayat pa ng mas maraming investors.
Ipinagmalaki ng BSP ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa at pagbuti ng kakayahan na makalikha ng mga kita sa nakalipas na taon.
Ito ay matapos na umangat ang Pilipinas sa upper-middle income status batay sa kumpirmasyon ng World Bank.
Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na ipinapakita nito ang kahalagahan sa pagpapanatili ng matatag na ekonomiya at patuloy na reporma para mapanatili ang mga paglago.