Mas mataas na kamalayan ng mga kabataan sa mga serye ng karahasan, dapat ding matutukan
Binigyang-diin ng Department of Justice (DOJ) na kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan kung paano gagamitin ng lipunan at mga ahensiya ang bagong kamalayan sa mga insidente ng karahasan sa paaralan.
Ito ay upang maiwasan ang biglaang pagtaas ngayon ng kumakalat na fake news sa violence threat sa mga paaralan tulad ng sinapit ng Bagong Silangan High School.
Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty dito na papasok ang mas masuring pag-beripika sa mga impormasyon upang maiwasan ang pagpa-panic ng dahil sa maling impormasyon.