Naglabas na ng direktiba ang Senate Impeachment Court para paharapin sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte na gaganapin sa Lunes, July 6, na alas-dos ng hapon.
Sa inilabas na utos ng Senate Impeachment Court na may petsang July 2, 2026 at nilagdaan ni Senate President Sherwin Gatchalian, personal na pinadadalo si VP Sara o kaya kanyang kinatawan sa pamamagitan ng legal counsel niya para sa gagawing paglilitis.
Nakasaad na alinsunod ito sa Rule 7 ng Rules of Procedure on Impeachment Trial at sa Writ of Summons na inisyu noong May 9, 2026.
Samantala, nagsagawa naman ng caucus ang mga senador ngayong araw bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa gaganaping impeachment trial sa Lunes.
Ayon kay Senador Erwin Tulfo, tungkol lang sa impeachment ang pinag-usapan nila at wala nang ibang paksa.