Muling pinagtibay ng Pilipinas at Canada ang kanilang commitment na maisapinal ang Free Trade Agreement (FTA) ngayong 2026, kasabay ng pagpapatuloy ng negosasyon para sa ASEAN-Canada Free Trade Agreement (ACAFTA).
Ang FTA ay isang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na naglalayong mabawasan o maalis ang mga hadlang sa kalakalan. Kabilang dito ang mga taripa, quota, at iba pang regulasyon.
“Prime Minister Carney and I reaffirmed our commitment to conclude the negotiations for a bilateral free trade agreement this year, as we also negotiate the ASEAN-Canada Free Trade Agreement.” — Pangulong Marcos
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pulong nila ni Prime Minister Mark Carney, napagkasunduan din ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa laban sa economic coercion at ang pagpapatatag ng supply chain.
“We also renewed our commitment to increase our bilateral trade, stand against economic coercion, and build a resilient supply chain.” — Pangulong Marcos
Kung matatandaan, pormal na sinimulan ng Pilipinas at Canada ang negosasyon para sa isang bilateral FTA noong 2025.
Kabilang sa mga pangunahing inaangkat ng Canada mula sa Pilipinas ang electronics at machinery.
Samantala, kabilang sa pangunahing iniluluwas ng Canada sa Pilipinas ang mineral ore, karne, cereal, aerospace parts, at mga pataba.
Sinabi ni Pangulong Marcos na kapwa isinusulong ng Pilipinas at Canada ang accountability, rule of law, paggalang sa karapatang pantao, at pagiging maaasahang katuwang sa mga kasunduang pinapasok ng dalawang bansa.
“That is a very, very important part of what we are doing because without that, none of these agreements, none of these partnerships, none of these alliances would be possible because it is only with like-minded partners that we can come to these agreements.” — Pangulong Marcos
Ayon sa Pangulo, ang mga prinsipyong ito ang nagsisilbing pundasyon ng ugnayan ng dalawang bansa at inaasahang unang makikinabang dito ang mga negosyo sa oras na maisakatuparan ang FTA.
“And that’s why we will continue to promote those ideals, we will continue to promote those values, and we will continue to abide by international, legally-led actions as we go forward.” — Pangulong Marcos
Kasabay nito, nagpapatuloy rin ang negosasyon para sa Canada-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Free Trade Agreement (ACAFTA).
Layunin ng kasunduang ito na magbukas ng mas maraming market opportunity sa pagitan ng Canada at mga bansang kasapi ng Southeast Asia.
