Photo Courtesy: DSWD
Umabot na sa 743,995 family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang kagabi, Hulyo 3, sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Nakapamahagi rin ang ahensya ng 16,095 ready-to-eat food (RTEF) boxes.
Bukod dito, umabot sa 17,625 non-food items ang naipamahagi bilang karagdagang tulong sa mga apektadong pamilya.
Ayon sa DSWD, ang mga suplay ay bahagi ng augmentation request ng mga lokal na pamahalaan.
Ipinamahagi ang mga tulong sa mga apektadong komunidad sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.
Patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa mga local government unit (LGU) upang matiyak ang tuloy-tuloy at agarang paghahatid ng ayuda sa mga apektadong residente.