Photo Courtesy: QCPD
Pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang ugnayan ng pulisya sa mga paaralan sa pamamagitan ng school visitations at pakikipagpulong sa mga school officials.
Ayon kay QCPD District Director Police Brigadier General Randy Glenn Silvio, pinangunahan ng mga station commander ng bawat police station ang mga dayalogo sa kanilang nasasakupan bilang bahagi ng Oplan Bisita Eskwela.
Tinalakay sa mga pulong ang mga hakbang upang mapanatiling ligtas at maayos ang kapaligiran para sa mga estudyante, guro, at iba pang school personnel.
Bilang bahagi ng pinaigting na koordinasyon, bumuo rin ng mga Viber group ang mga paaralan at ang pulisya.
Layunin nito na mapabilis ang pag-uulat ng anumang insidente at ang agarang pagtugon ng mga pulis sa mga concern ng school community.
Sinabi ni Silvio, magpapatuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa sektor ng edukasyon upang matiyak ang ligtas at mapayapang kapaligiran sa lahat ng paaralan.