Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB
Pinayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga PUV driver na huwag mag-vlog o gumawa ng social media content habang nagmamaneho.
Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, paglabag ito sa Anti-Distracted Driving Act at maaaring magdulot ng mga aksidente.
Naglabas ang LTFRB ng memorandum na nag-uutos sa mga operator na paalalahanan ang kanilang mga driver na sumunod sa batas.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ang pagva-vlog, paggawa ng content, at paggamit ng social media habang nasa biyahe.
Sa oras na maipatupad ang memorandum, pagmumultahin ng ₱5,000 ang mga lalabag. Ayon sa LTFRB, layunin nitong maprotektahan ang mga pasahero at iba pang gumagamit ng kalsada.