Pinadali ng Bureau of Customs (BOC) ang proseso ng accreditation para sa mga lehitimong importer bilang bahagi ng patuloy nitong reporma upang mapabilis ang serbisyo, mapalakas ang compliance, at mapabuti ang ease of doing business sa bansa.
Simula noong nakaraang buwan ay inilipat ng BOC ang Accounts Management Office (AMO) sa ilalim ng Post Clearance Audit Group (PCAG).
Layunin nitong gawing mas episyente ang pagproseso ng accreditation, renewal, suspension, cancellation, at iba pang account-related transactions ng mga importers at customs brokers.
Ayon sa ahensya, magbibigay rin ang bagong sistema ng mas pinahusay na risk assessment at compliance monitoring habang nananatiling mahigpit ang pagbabantay laban sa mga paglabag sa customs regulations.
Bahagi rin ito ng paghahanda sa planong ilipat ang tanggapan sa Assessment and Operations Coordinating Group.
Ayon sa BOC, nakahanay ang repormang ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas episyente ang serbisyo ng pamahalaan, mapadali ang lehitimong kalakalan, at higit na masuportahan ang paglago ng ekonomiya ng bansa