Magi-isang taon na mula nang buksan ng administrasyon ang imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects, ngunit tila hindi pa rin lahat ng responsable sa katiwaliang ito ay nakakaramdam ng hiya sa mga Pilipino.
Ang iba, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pakiramdam pa na natural lang na mayroon silang natatanggap na kickback mula sa pondo ng publiko na ginagastos sa mga proyekto.
“Kasi ang sinabi ko, mahiya naman kayo, pag tinanong mo sa akin, nahiya ba sila? Yung iba hindi. Akala nila karapatan nila yung ginagawa nila. Wala kami ginagawang mali, ganyan talaga patakbo dito.” —Pangulong Marcos Jr.
Sa panayam sa Vancouver, Canada, sinabi ng Pangulo na ang pinakamahirap baguhin sa usaping ito, ay ang kultura sa loob mismo ng pamahalaan, kung saan ang ilan, entitled at naniniwalang karapatan nila na makatanggap ng bahagi ng project fund.
“That’s the hardest part to change. The culture, the culture of within government where to take a, I mean, you know, they put all kinds of nice words, rebate, kickback yan. Walang ibang tunay na salita kickback yan. Okay, daw na yun para sa iba, okay sa kanila yun. At saka karapatan nila bilang whatever. Mayroon silang share doon sa ginagastos ng pera ng gobyerno.” —Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulo, hindi pa tapos ang pamahalaan sa paghabol sa mga ito.
Mangangailangan aniya ito ng pagbabago sa attitude ng mga public servant, para sa ganap na pagpapatakbo sa pamahalaan, dahil hindi sapat ang strutural reform sa paglaban sa sistema ng korupsyon sa gobyerno.
“President Duterte acknowledged that there were great problems in terms of the flood control, the flood control projects. Pero wala namang nangyari. Having acknowledged it, it did not find accountability in anybody. So I guess that was left up to me to do. And so we are still doing it. We’re still working on it. As I said, the more we look, the more we investigate, the more we find.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan