Photo Courtesy: PNP-PIO
Nadiskubre ng Philippine National Police (PNP) ang isang tagong imbakan ng mga armas at eksplosibo ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Gattaran, Cagayan.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ang imbakan ay ibinunyag ng isang dating rebelde. Natagpuan ito sa isang dating hideout sa bulubunduking bahagi ng Barangay Mabuno.
Batay sa validation, ang lugar ay dati umanong ginagamit bilang ruta at taguan ng CTG dahil sa masukal na kalupaan at mahirap itong pasukin.
Kabilang sa mga narekober ang rifle grenades, 40mm explosive rounds, mga bala, blasting caps, at mga baril tulad ng .38 revolver at improvised shotgun.
Isinagawa ang operasyon upang maiwasan ang posibleng paggamit ng mga armas sa mga karahasang maaaring isagawa ng armadong grupo.
Ayon sa PNP, magpapatuloy ang operasyon laban sa mga natitirang armas at sa mga kilos ng armadong grupo.