Photo Courtesy: NAPOLCOM
Pinalalakas ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pakikipagtulungan nito sa mga K9 training institution upang mapahusay ang kakayahan ng mga K9 unit sa pagpapatupad ng batas.
Sa isinagawang courtesy visit ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan sa Sniffer K9 Security Solutions and Training Center Inc. sa Bulacan, tinalakay ang pagpapahusay ng K9 training, deployment, at inter-agency coordination.
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga opisyal ng Sniffer K9 Security Solutions and Training Center Inc. at ng Philippine National Police Explosives Ordnance Disposal and Canine Group.
Ayon sa NAPOLCOM, layunin ng inisyatiba na mapalakas ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng episyente at propesyonal na K9 operations.