Nakakuha ang Commission on Elections (COMELEC) ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2025.
Ito na ang ikatlong sunod na taon na natamo ng COMELEC ang ganitong pagkilala mula sa COA, na sumasaklaw sa fiscal years 2023, 2024, at 2025.
Batay sa ulat ng auditor, nagbigay ang COA ng unmodified opinion sa maayos na paglalahad ng financial statements ng COMELEC para sa taong nagtapos noong December 31, 2025.
May mga obserbasyon din ang COA na may kasamang rekomendasyon, na tiniyak namang aaksiyunan at ipatutupad ng COMELEC.
Ayon sa COMELEC, ang pagkilala ay bunga ng patuloy na pagtutulak ng ahensya sa mas bukas, transparent, kapani-paniwala, at pananagutang pamamahala.