Inihayag ng Civil Service Commission (CSC) ang pansamantalang pagpapaliban sa lahat ng PRIME-HRM activities bilang bahagi ng pagpapatupad ng Philippine Civil Service Modernization Project.
Layunin ng proyekto na palakasin ang human resource management sa pamahalaan sa pamamagitan ng mas makatarungan, competency-based, data-driven, at digital na sistema.
Kabilang sa pansamantalang ipinagpaliban ang mga accreditation, validation, assessment, reassessment, maturity determination, at recognition sa ilalim ng PRIME-HRM.
Hinikayat ng CSC ang mga ahensya ng gobyerno at iba pang stakeholder na basahin ang buong advisory para sa karagdagang detalye.