Walang duda ang Malacañang kung ang pag-uusapan ay tiwala nito sa liderato ng Iglesia ni Cristo (INC) lalo na sa usapin ng pagsunod nito sa mga umiiral na batas.
Ang pahayag ay ginawa ng Palasyo kasunod ng kusang loob na pagsuko ni Senador Rodante Marcoleta matapos ang pormal na paglalabas ng arrest warrant sa kanya ng Sandiganbayan para sa reklamong Plunder.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, batid nilang marunong tumalima ang INC leadership sa kung ano ang ipinag-uutos ng korte.
Ayaw nila ani Castro na mag-isyu ng pahayag sa kung baka muling magsagawa ng rally kasunod ng naging development sa kaso ni Senador Marcoleta, na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP.
Nananatili aniya ang Malacañang sa paniniwalang marunong sumunod sa batas ang kapatiran, at igagalang ng mga nangunguna sa Iglesia ang naging pasiya ng Sandiganbayan kay Senador Marcoleta na kilalang isang miyembro ng religious group.