Matapos ang Press Conference ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. sa Kampo Crame, dumating naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Ito ay para pulungin ang mga matataas na opisyal ng PNP sa pamamagitan ng ipinatawag niyang Command Conference, ngayong araw.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Allan Rae Co, layon nito ang “alignment” sa mga programa ng PNP at para na rin magbigay ng mga instruction.
Bagaman hindi kinumpirma o itinanggi ng PNP, kabilang sa mga inaasahang paksa ng pulong ay ang latag ng seguridad sa paligid ng Senado para sa Impeachment Trial kay Vice President Sara Duterte.
Gayundin ang pag-aresto ng Sandiganbayan kay Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder gayundin ang iba pa na sina dating Cong. Mike Defensor at dalawang iba pa.