Naka–”high alert” na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bago ang inaasahang pagpasok ni Typhoon Inday sa Philippine Area of Responsibility, bukas ng gabi, July 7 hanggang umaga ng July 8.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, naka-monitor na ang kanilang disaster response units sa posibleng epekto ng bagyo sa mga rehiyon.
Inihanda na rin ang prepositioned relief goods para sa mabilis na distribusyon sa mga apektadong lugar.
Aabot sa 4.775 milyong family food packs ang naka-standby sa buong bansa, kasama ang ready-to-eat food at non-food items.
Tiniyak ni Dumlao na handa ang regional disaster centers para sa 24/7 na operasyon habang may banta ng sakuna.