Mahigpit pa ring binabantayan ng Quezon City Police District (QCPD) ang paligid ng Sandiganbayan kasunod ng pagsasampa ng mga kaso laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Kahit nitong linggo ay muling nag-deploy ang QCPD ng mga tauhan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, IBP Road, at sa paligid ng Sandiganbayan para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Personal ding ininspeksyon ni QCPD Director Police Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, kasama si District Operations Division Chief Police Col. Vicente Bumalay, ang mga nakatalagang pulis at ang command post para matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga security measures.
Matatandaang unang nag-deploy ng karagdagang pwersa ang QCPD noong Biyernes kasabay ng paghahain ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at iba pang kaugnay na kaso laban kay Sen. Marcoleta, dating Representative Defensor at dalawang iba pa. | ulat ni Merrt Ann Bastasa

