Suportado ng Luzon Federation of Sugarcane Growers Association (LUZONFED) at sugar millers ang pinaigting na hakbang ng Sugar Regulatory Administration (SRA) laban sa pesteng Red-Striped Soft Scale Insect (RSSI) na patuloy na hamon sa mga sakahan ng tubo.
Sa isinagawang pulong ng mga ito, iniulat na kontrolado na ang pagkalat ng RSSI sa mga taniman ng tubo sa Luzon.
Ayon kay LUZONFED President Cornelio Toreja, malaki ang naitulong ng SRA sa pamamagitan ng pamamahagi ng kagamitan, pesticides, abono, at pagpapatupad ng tuloy-tuloy na kampanya laban sa peste.
Batay sa datos ng SRA, nasa 233.42 ektarya ng taniman ng tubo sa Luzon ang naapektuhan ng RSSI ngayong taon, na mas mababa sa 1,578 ektaryang naitala noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga apektadong lugar ay nasa Batangas, sinundan ng Tarlac, Camarines Sur, at Isabela.
“We have three to four months of monitoring and ensuring that our affected areas remain low before harvest season and we need the SRA’s help and all our farmers’ cooperation to make sure it stays controlled and contained,” pahayag ni Toreja.
📸 SRA
