Habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na ‘Bavi’, tuloy-tuloy rin ang paghahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng relief goods sa mga lugar na posibleng tamaan ng super typhoon.
Kabilang sa pinadalhan ng karagdagang 7,000 family food packs ang lalawigan ng Batanes.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng kanilang disaster preparedness measures para matiyak na may sapat na suplay ng pagkain at agarang maipamamahagi sakaling lumala ang lagay ng panahon.
Batay sa pinakahuling forecast ng PAGASA, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon sa miyerkules at tatawaging Bagyong Inday.
Bagama’t maliit pa ang posibilidad na mag-landfall ito sa bansa, maaari umanong dumaan malapit sa Northern Luzon, kabilang ang Batanes.
Nananatili namang available ang nasa higit ₱5-billion relief resources ng DSWD kabilang na ang stockpile ng food packs at non-food items at quick response fund.
📸 DSWD

