Nagkakaisang nagsimba ang ilang miyembro ng public at private prosecutors maging ang ilang house leaders sa bisperas ang pagsisimula ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang misa na ginanap sa Archdiocesan Shrine of Jesus, the Way, the Truth and the Life sa Pasay City, magkakasama silang nanalangin.
Ayon kay House Prosecutor Leila De Lima, hiling nila sa Panginoon na patuloy silang gabayan at pagkalooban ng karunungan, lakas, at katatagan sa misyong ito.
Aniya, tungkulin nilang itaguyod ang pananagutan na ipinagkatiwala sa kanila ng Konstitusyon at ng taumbayan.
Nanawagan ang Senior Deputy Minority leader sa taumbayan na simula ngayong araw ay subaybayan ang mga kaganapan sa Senado.
Aniya, importante na mabantayan ang napakahalagang prosesong ito ng pananagutan, suriin ang mga ebidensya, at sama-samang manawagan na tapusin ang paglilitis hanggang manaig ang katotohanan at hustisya.

