Nananawagan sa publiko si House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na panindigan ang katotohanan at hustisya ngayong unang araw ng pormal na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado.
Para kay Ridon, ang pagbubukas ng paglilitis ay isang krusyal na sandali upang saksihan ng taumbayan ang pananagutan.
Kung saan mahalagang pagpasyahan ng bawat Pilipino kung anong uri ng pamamahala ang kanilang itataguyod.
Tiniyak niya na hahayaan ng panel ng prosekusyon na magsalita ang mga ebidensya upang tuluyang malantad ang katotohanan sa publiko.
Hinimok ni Ridon ang mamamayan na suportahan ang takbo ng impeachment trial.