Bukas ang tanggapan ng Department of Health (DOH) Fabella para tumulong sa mga sanggol na nangangailangan ng breastmilk.
Ayon kay Dr. Estrella Jusi, ang kadalasang nangangailangan ng donor milk ay yung mga sanggol na nasa Intensive Care Unit (ICU).
Yung iba ay dahil premature, habang yung iba naman ay may sakit.
Si Ginang Maribeth ay lumapit sa Human Milk Bank dahil wala pa siyang sapat na gatas para sa kanyang sanggol na maagang lumabas.
Pero noong siya ay naka-recover, naging panata na niya ang mag-donate naman ng gatas.
Aniya, dalawang bote ng gatas kada araw ang sobra ng kanyang anak, at pinili niyang i-donate ito sa Human Milk Bank para matulungan din ang iba pang nangangailangan.
Handa naman tumanggap ang DOH Fabella ng mga donor at bukas din ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan ng donor milk.
📸 DOH