Inihayag ng House Prosecution Panel na tanggap na nila na “debatable” o bukas sa iba’t ibang interpretasyon ang usapin hinggil sa voting threshold na kinakailangan upang ma-convict si Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa nagpapatuloy nitong impeachment trial sa Senado.
Ito ay matapos pinal na ideklara ni Senator at Impeachment Presiding Officer Chiz Escudero na gagamitin ng Senado ang two-thirds vote ng lahat ng miyembro nito.
Ibig sabihin kailangan ng 16 na senador—para tuluyang mapatalsik o ma-convict si Bise Presidente.
Maalalang naging isyu ang a two-thirds vote ng mga senador matapos ang detention ni Senador Jinggoy Estrada, Senador Rodante Marcoleta, at pagtatago ni Senador Ronald dela Rosa.