Pinasinayaan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick A. Vida ang bagong DOJ Cottage sa Baguio City noong June 24, 2026.
Ang pasilidad ay magsisilbing multi-purpose facility para sa mga opisyal at kawani ng Department of Justice, gayundin sa partner agencies na naka-assign sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Dumalo sa inagurasyon ang mga kinatawan mula sa CAR Regional Prosecution Office, Office of the City Prosecutor-Baguio, National Bureau of Investigation, at Registry of Deeds.
Ayon sa DOJ, gagamitin ang cottage bilang opisyal na accommodation ng mga personnel sa regional assignment, at venue para sa conferences, trainings, at iba pang institutional activities.
Mayroon itong lodging, meeting spaces, at support amenities para makatulong sa mas maayos na operasyon, deployment, at collaborative work sa Cordillera.
Bahagi ito ng hakbang ng DOJ para palakasin ang presensya nito sa mga rehiyon, pagbutihin ang kapakanan ng mga empleyado, at mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo publiko.