Photo courtesy of Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña
“Isang malaking kalokohan.” Ito ang tahasang pahayag ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña sa hiling ni Senator Alan Peter Cayetano na payagang makasama sina Senator Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada sa gaganaping impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Kahapon nag-mosyon si Sen. Alan Peter Cayetano sa Senate Impeachment Court na payagan ang dalawang kasamang senador na naharap sa kasong plunder at multiple cases of graft sa Sandiganbayan.
Hiniling ng dating senate president na kausapin ng impeachment court ang Sandiganbayan na payagang dumalo sa impeachment trial sina Marcoleta at Estrada.
Ayon kay Cendaña, walang moral na kredibilidad na umupong hukom ang mga indibidwal na sila mismo ay may kinakaharap na legal na isyu o lumalabag sa batas.
Hirit pa ni Cendaña, kung sakaling mapagbibigyan ang hiling ni Cayetano, nagiging katawa-tawa ang sitwasyon.
Aniya, matapos magsuot ng unipormeng pang piitan ay pagsusuotin ito ng ‘robe’ na para sa isang senator-judge.