Bilang paghahanda sa papasok na super typhoon ay inatasan nang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang lahat ng barangay na tiyakin ang preparedness measures sa kani-kanilang komunidad.
Kabilang sa pinatitiyak ng LGU ang agarang pagbibigay ng abiso sa mga residente tungkol sa lagay ng panahon, paglalagay sa standby ng mga rescue team at kagamitan, at paghahanda ng mga evacuation center sakaling kailanganing lumikas ang mga residente.
Inatasan din ang mga barangay na tiyaking may sapat na suplay ng relief goods at malinis na inuming tubig para sa mga maaaring maapektuhan ng kalamidad.
Kasabay nito, pinatitiyak din ng lokal na pamahalaan ang paglilinis ng mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha.
Hinikayat naman ang bawat pamilya na makiisa sa paghahanda sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura at regular na paglilinis ng kanilang bakuran.